Monday, July 7, 2008

WATCH YOUR WORDS

*****
Tuwing bibyahe kami ng aking boypren, nakaugalian na nyang tignan ang presyo ng gasolinang nakapaskil sa mga gasoline station, kakalabitin ako, at sasabihin ang linyang "__ nanaman ang itinaas ng gasolina o!" at magkukwentuhan na kami tungkol doon, sa mga epekto non, at marami pang iba. Ngunit nung isang araw lang, nagbago ang ihip ng hangin.
Nakasakay kami sa taxi mula Maynila hanggang UP Diliman. Sobrang antok ako noon at habang natutulog ako, kinalabit nya ako at sinabing "Nagtaas nanaman yung gasolina o!" Ako naman, sa sobrang pagkaantok ay nasabing "Hayaan mo yan... wala namang epekto satin yan e" para matapos nalang ang usapan.. sabay balik sa pagtulog.
Katahimikan.
Mga ilang segundong katahimikan.
Nang biglang nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga nabitawan kong salita. Napamulat ako. Tumingin sa boypren ko na parang naguluhan sakin. Tumingin din ako sa salamin sa harap ng taxi upang makita ang mukha ni manong drayber. "Syet" nasabi ko sa sarili ko. Para kasing sampal yon kay manong. Para akong tanga na hindi manlang naisip na ang tao sa harap ko ay direktang naaapektuhan ng pagtaas na yon. Pati yung paniniwala ko at ng aking boypren.. ang mga prinsipyo namin.. nasagasaan ko dahil sa di-tamang pagbitaw ko ng mga salita.
"May effect kaya yun.." mahinang sabi ni boypren.
Napatahimik lang ako. Parang gusto ko nalang ipatigil sa Philcoa yung taxi. Ayokong bumaba kami sa UP at isipin ni manong na "Naturingan pa namang UP student... utak mantika.. TULOG" nakakahiya.
Pagbaba namin ng taxi.. pagkabayad namin sa presyong pumatak sa metro.. pagkaalis ng taxi sa aming harapan.. napag-isip-isip ko.. Kanina we're more than a hundred pesos richer.. sumakay lang kami ng taxi magkano kagad ang nabawas samin. Alam ko... at naniniwala ako... may direktang epekto samin ang pagtaas ng gasolina. Naging bulag lang akong isipin yon.
.
.
.
MORAL LESSON: Hindi excuse ang antok para hindi maging mulat sa mga nangyayari sa lipunan.
*****

No comments: