*****
Maulan. Malamig. Isa sa pinakamasarap na pampainit ng LUGAW. Kahit saan, kahit kalian, makikita't matitikman. Nagsimula akong kumain ng lugaw sa pagyayaya ng mga kaibigan ko. Noong una, hindi ko pa masyadong gusto dahil hindi naman ako sigurado kung malinis iyon. Pero dahil masarap, lalo na pag kasama kong kumain ang mga kaibigan, solve na solve na lalo na't malamig ang panahon.
Pero teka… napag-isip-isip ko lang.. noong nakaraan P15 lang ang lugaw a.. tas naging P20.. at ngayon P25 na! Baka naman sa susunod presyong Chowking na yan a.Baka sa susunod si manong drayber, si manang na galling sa pamamalengke, at yung estudyanteng galling sa eskwela na kasabayan naming kumain dito hindi na naming makita matapos ang ilang linggo. Kahit nga ako e. Pag nagpatuloy pa ang pagtaas ng pamasahe ngayon, wala na ring matitirang barya sa bulsa ko… hindi na rin ako makakapag lugaw.
Magkano na ba ang presyo ng bigas ngayon? Dati nakakakita pa ko ng P22/kilo e. Ngayon 'tong kapit bahay naming may tindahan P45/kilo na ang pinaka mura. Biruin mo… doble na ang ibabayad mo sa pagkaing araw-araw na sinisigaw ng tiyan mo.
Natanong ko nga si kuya habang naghahalo ng paninda nya.
"Kuya buti hindi kayo nalulugi sa tinda nyo.. mataas na ang bigas a"
"Oo nga e.. kaya pagtaas ng bigas, kailangan din magtaas ng paninda. Pero hindi naman pwedeng taasan masyado dahil baka wala nang bumili."
Nakakalungkot isipin… pag nagpatuloy pa ang pagtaas ng presyo ng bigas, pag nagpatuloy pa ang paghaba ng pila sa bilihan ng NFA rice, pag dumami pa ang bilang ng mga Pinoy na hindi na makakatikim ng bigas araw-araw, baka isa na ang "tubong lugaw" sa mga salitang maphe-phase out sa dila ng mga Pinoy. Dahil kahit mga nagbebenta ng lugaw ngayon, hirap na ring kumita.
*TUBONG LUGAW- idiomatic expression ng mga Pinoy para sa negosyo/produktong may napakataas na tubo/ malakas ang kita.

No comments:
Post a Comment