Aking nabanggit sa nakaraang entry ang mga paniniwala ko ukol sa isyu ng aktibismo at pagra-rally. Kaya't kong ibahagi ang ilang mga eksena sa naganap na July 10 Youth Boycot.

Nagtipun-tipon ang mga estudyante ng UP Diliman sa University Avenue upang sabay-sabay na pumuntang Mendiola. Tumulong ang mga UP jeepney drivers upang makarating kami doon. Ngunit dahil mataas na ang presyo ng langis at pare-pareho kaming may pangangailangan, hindi naman maaaring umuwing "bayani" ang ating mga kasamang drayber. KKB dapat.
Habang kami ay nasa jeep, isa-isa kaming nagpakilala, nagbahagi kung bakit kami sumama atbp.
Isa sa pinaka hindi ko malilimutang dahil ng isa naming kasama ay "Hindi na ko makatulog ng ilang araw.. lalo na nang malaman kong tataas nanaman yung pamasahe. Eto nalang ang m

Pagdating sa UST, bumuo ang mga estudyante ng mga pangkat upang pag-usapan ang mga isyu. Sabi nga nila... walang kwenta ang iyong ipinaglalaban kung wala kang sapat na kaalaman doon.

Nanawagan ang mga mass leaders sa mga estudyante upang makiisa rito.

Mula sa UST, naglakad ang mga estudyante patungong Mendiola. Dinaanan ang iba't-ibang unibersidad upang manghikayat.

Kanya-kanyang raket ang bawat isa. Mayrong may dalang karatula, at ako naman, idinaan ko sa face pain.
Dahil hindi pinahintulutan ang mga raliyista na tumungong Mendiola, sa kalye ng Recto nalamang nagprograma.


Habang mainit ang programa sa harap, maraming kumpol ng estudyante ang sama-samang nagdidiskusyon. Ito ay nagsilbing pag-aaral sa lipunan... dito mo matututunan ang mga bagay na hindi karaniwang itinuturo sa apat na sulok ng paaralan.

Hindi lamang college students ang nakiisa. Nakakagulat na mayroon ding elementary at high school students na lakas loob na nagsalita. Sabi nga ng elementary student "Nahihirapan na ang magulang ko. Hindi ko na hihintaying dumating ang panahon na hindi na nila ko kayang pag-aralin"

Syempre, hinding hindi mawawala ang pwersa ng mga armadong pulis/militar. Ngunit maayos naman ang naging daloy ng programa.


Kung may raliyista at pulis, hindi rin mawawala ang media.

Napakahaba ng listahan ng daing ng kabataan. Isa lamang ang nais nitong ipahiwatig... malakas ang pwersa natin. Lahat tayo, may kakayahang magbago at bumago. Sa sama-samang pagkilos, mas malaki ang pag-asang makamit ang ating hinihiling... isang pantay at makatarungang lipunan.
"It is dangerous to be right when the government is wrong"
-Voltaire
1 comment:
taas kamaong pagpupugay sayo kasama.
Post a Comment